^

Metro

1 patay, 1 sugatan sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata habang nasa kritikal na kondis­yon ang isa pa nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect na riding in tandem habang naglalaro ng chess sa Ca­loocan City kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Joseph Cordova, 24 ng Phase 1, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center sanhi din ng mga tama ng bala sa katawan si Joseph Moras, 18, ng Phase 3, Bagong Silang ng natu­rang lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis hinggil sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

Base sa imbestigasyon ni SP02 Joselito Delos Reyes, ng Station Investigation Di­vi­sion (SID), Caloocan City Po­lice naganap ang insi­dente alas-8:45 ng gabi sa Main Road ng Phase 1, Bagong Silang .

Naglalaro ang mga biktima ng chess at ilang ka­ibigan nang biglang duma­ting ang isang motorsiklo at nakasakay ang mga suspect.

Walang sabi-sabing pi­naulanan ng bala ng mga suspect ang mga naglala­rong biktima.

Matapos ang pamamaril ay dali-daling tumakas ang mga suspect at ang mga biktima naman ay isinugod ng kanilang kaanak sa naturang mga pagamutan, subalit si Cordova ay hindi na umabot ng buhay. 

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY PO

EAST AVENUE

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

JOSELITO DELOS REYES

JOSEPH CORDOVA

JOSEPH MORAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with