^

Metro

Ina, 3 anak patay sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na ka­matayan ang sinapit ng 44-anyos na ina at tatlo nitong anak na menor-de-edad matapos makulong sa kanilang bahay na nasusunog kamakalawa ng gabi sa Barangay Ilaya, Mandaluyong City.

Natagpuang magkaka­yakap sa palikuran ang mag-iinang sina Blitz Santos, Andrei Calunsod, 4; Yui, 2; at si Chelsea Santos Calunsod, 1.

Sa ulat ng Mandaluyong Fire Station, dakong alas-8:50 ng gabi nang magsimulang masunog ang bahay ng mga Calunsod sa San Roque Street kung saan naapula lamang dakong alas-9:25 ng gabi.

Ayon sa mga imbestigador, sumiklab ang apoy sa sala ng bahay ng mga Calunsod at mabilis na kumalat sa mga light materials­. 

Maaaring nataranta ang mag-iina dahil sa kapal ng usok at posibleng ina­kala ng mga biktima na pinakaligtas na lugar ang palikuran ngunit  namatay din dahil sa suffocation. 

Hindi rin nagamit ng mga biktima ang bintana ng palikuran dahil sa bakal na grills. Umabot sa ika­limang alarma ang sunog at tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

Samantala, sumiklab naman ang sunog isang bodega sa Pascor Drive sa Barangay Sto. Niño, Parañaque City.

Sa ulat, nag-umpisang kumalat ang apoy sa bodega ng Maldive Trading Corp kung saan nadamay ang dalawa pang maliit na gusali at dalawang bodega. 

Itinaas sa Task Force Bravo ang alarma kung saan wala namang naiulat na nasaktan.

Aabot sa 100 kabahayan naman ang naabo sa Barangay Talon 4, Las Piñas City kamakalawa ng gabi. 

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago naapula dakong alas-10 ng gabi.  Bineberipika naman ng mga imbestigador ang impormasyon na nag-umpisa ang apoy sa napabayaang kalan.

ANDREI CALUNSOD

BARANGAY ILAYA

BARANGAY STO

BARANGAY TALON

BLITZ SANTOS

CALUNSOD

CHELSEA SANTOS CALUNSOD

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with