Kasong murder vs pulis Maynila na pumatay sa kabaro
MANILA, Philippines - Isinailalim na kahaÂpon ng hapon sa inquest proceedings sa kasong 
murder ang isang miyembro ng Manila Police District-District Anti-Illegal Drugs (MPD-DAID) na pumatay sa kapwa pulis na nakaÂtalaga naman sa MPD-District Special Operations Unit (DSOU) SaÂbado ng madaling-araw.

Si PO2 Juqiex Bello Quinto, 30, may-asawa, ng #3507 Vigan St., Sta. Mesa, Maynila ay naÂinquest dakong alas-2:30 ng hapon kahapon at kasalukuyang nakapiit sa MPD Integrated Jail sa MPD headquarters, sa UN Avenue at doon na siya mananatili hanggat hindi pa naglalabas ng resolusyon ang Manila Prosecutor’s Office hanggang sa magpalabas na rin ng commitment order ang korte upang ilipat siya sa Manila City Jail.

Ang labi naman ng biktimang si PO1 Anthony Lagonera Alagde 32, ay nakaburol na sa St. Peter Funeral sa Araneta Avenue, Quezon City.

Nabatid na iniwan ni Alagde ang misis na si Mary Ann Dona-Alagde, at 3 anak. Si Mary Ann ang tumayong comÂplainant sa reklamong 
murder, batay na rin sa mga testimonya ng testigong sina Arrianne 
Ricabierca, PO2 Nimitz Pacure at PO2 Elmer Revita, kapwa ng MPD.
 Nakasaad sa affiÂdavit ng tatlo na nasakÂsihan nila ang pagbaril sa biktima ng suspect habang nakaupo at nakaÂtalikod ang biktima, dakong alas 4:00 ng madaÂling araw noong Disyembre 21, sa Balbon’s Place and Restobar sa Herbosa Ext., Tondo, Maynila.

Mismong sina Pacure at Revita na rin ang nagsabing ang PNP issued na Stoeger 9mm pistol ng suspect ang ginamit sa pamamaril nito sa biktima, na kanilang agad dinisarmahan at inaÂresto.
- Latest