^

Metro

CCTV footage susi sa paglutas sa pamamaril sa misis ni Atty. Fortun

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinusuri ngayon ng mga imbestigador ng Las Piñas City Police ang kuha ng closed circuit television (CCTV) camera  sa bahay ni Atty. Raymond Fortun na posibleng maging susi sa paglutas sa pamamaril sa kanyang misis sa kanilang bahay sa naturang lungsod, kamakalawa ng gabi.

Bukod dito,  sinabi rin kahapon ni Fortun na may nakasaksi pa sa naganap na krimen na itinago muna ang pagkakakilanlan na nagbigay na ng pahayag sa pulisya.

Iginiit ni Fortun na siya talaga ang target ng mga salarin at hindi ang kanyang misis na inilarawan nitong mabait at walang nakaka­away.

Nasa maayos na kundis­yon naman ngayon sa Perpetual Help Medical Center ang biktimang si Lumen Caroline Fortun, 42, makaraang tamaan ng bala sa leeg na tumagos sa pisngi. Mistulang himala umano ang pagkakaligtas ng ginang dahil sa walang tinamaang maselang bahagi ng ulo at buto ang bala.

Sa ulat, kagagaling lamang buhat sa Simbang Gabi ng biktima at kapapasok lamang sa bakuran ng kaniyang bahay sa Almanza Avenue, BF Homes, ng na­turang lungsod, nang barilin ng isa sa riding-in-tandem dakong alas-8:05 ng gabi.  Mabilis na tumakas ang mga salarin ma­tapos ang pamamaril.

Sinabi ni Fortun na karaniwang magkasama silang mag-asawa sa pagsisimba ngunit nagkataon na may dinaluhan siyang kasalan sa Iloilo.

Masuwerte namang agad siyang nakauwi at naabutan ang nakalugmok na asawa sa tapat ng bahay at agad na isinugod niya sa pagamutan.

ALMANZA AVENUE

CITY POLICE

FORTUN

LAS PI

LUMEN CAROLINE FORTUN

PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

RAYMOND FORTUN

SIMBANG GABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with