Na-trauma sa bagyo, nagtangkang mag-suicide
MANILA, Philippines - Matapos ang halos 24 na oras, nailigtas na ng mga awtoridad ang isang lalaki na nagtangkang tumalon buhat sa itaas ng isang gusali dahil sa umano’y trauma sa mga nagdaang bagyo at dahil na rin sa hindi pagpapasuweldo sa kanya sa trabaho, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ni Supt. LiÂmuel Obon, hepe ng Quezon City Police Station 10, ang lalaki na si Benjo Miguel, 29, isang pintor at tubong Marikina City.
Ayon kay Obon, si Miguel ay nailigtas ng kanyang tropa matapos ang halos ilang oras na negosasyon habang ito ay nasa labas ng bintana ng ika-pitong palapag ng Sofia Tower na matatagpuan sa Roces Avenue sa lungsod.
Nauna rito, nagsiÂmula umanong umakyat si Miguel sa ika-apat na palapag ng gusali alas-12 Linggo ng tanghali. Sa pag-aakalang nagta-trabaho lamang si Miguel, hindi ito pinuna ng mga nakakitang residente, hanggang sa alas-9 ng gabi ay nakita naman itong lumipat sa bintana ng ika-pitong palapag ng gusali
Dito na inabot ng paglubog ng araw si Miguel, hanggang sa muling pagsikat ng araw kahapon. Dahil iba na ang reaksyon kinaÂumagahan ni Miguel na tipong nagtatangka na itong tumalon, isang residente sa tower ang nagpasyang tumawag na ng awtoridad hanggang sa isagawa ang negosasyon.
Sa negosasyon ay hiÂniling ni Miguel na maÂkaÂusap ang kanyang kiÂnakasamang si Lea Lumibao, 30, na taga-Calauan Laguna, para mapigilan ang pagtalon nito.
Alas-9 ng umaga nang dumating ang kinaÂkasama ni Miguel at dalawang pang kaibigan na siyang kumumbinsi dito para siya mailigtas. Impunto alas-10 ng umaga nang kusang bumigay ang mahinang katawan ni Miguel at kusa na rin sumama sa kaibigan at mga rescuers na mula sa Bureau of Fire Protection at PS10.
Sa pahayag ni MiÂguel, kaya siya umakyat sa gusali dahil sa may gumagambala sa kanyang isipan at natatakot umano siya sa nakikitang patayan sa lungsod ng Marikina. Dagdag pa dito anya ang problema sa hindi pagpapasuweldo umano sa kanya sa trabaho kung kaya hindi siya makauwi sa kanyang pamilya.
Ayon naman kay Obon, nakaranas umano ng trauma si Miguel sa nangyaring pananalasa ng bagyong Ondoy noong sa Marikina pa ito nakatira. Nakadagdag pa anya dito nang makita niya ang nangyaring sakuna sa pananalasa naman ng bagyong Yolanda.
- Latest