MANILA, Philippines - Nagsampa na ng mga kasong kriminal ang magulang ng batang nasawi dahil sa pambubugbog sa loob ng paaralan laban sa dalawang batang itinuturong nanggulpi sa biktima, mga magulang, opisyales ng eskwelahan ng mga ito, sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Sinabi ni Vilma Santos-Mendoza, ina ng nasawing paslit na si Fred Ashtone Mendoza, na kasong “murder†ang isinampa niya laban sa dalawang bata na may edad 9 at 11 taong gulang na itinurong nanggulpi sa kanyang anak.
Habang kasong “reckless imprudence†naman ang isinampa sa magulang na sina Bobby at misis na si Cecilia Cila; Evangeline Manalaysay at hindi pinangalanang mister; Ester Javier, class adviser ng biktima at Rosalia Vargas, prinsipal ng Tañong Elementary School. Sinampahan ang mga ito ng kaso dahil sa kapabayaan umano ng mga ito upang maagapan ang naganap na krimen.
Sa salaysay ni Mendoza, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga noong Oktubre 18 sa loob ng naturang paaralan. Naikuwento umano sa kanya ng anak na si Fred bago ito malagutan ng hininga na recess nang lapitan siya ng mga ka-eskwela at pinilit na hubarin ang suot niyang jogging pants.
Nang pumalag ang bata, dito na umano tinadyakan ang biktima ng dalawag kapwa bata at pagsusuntukin. Nagawang makatakbo palayo ng biktima at nagtungo sa silid-aralan para magsumbong sa gurong si Javier ngunit nagalit pa umano ito nang masagi ng bata ang lamesa na pinaglalagyan ng mga papel.
Kinagabihan ay nag-umpisa nang mangiÂnig ang katawan ng biktima kaya napilitan ang mga magulang na dalhin na ito sa Philippine Children Hospital kung saan nadiskubre na naapektuhan ang atay at baga nito dahil sa inabot na pambubugbog. Nasawi si Mendoza sa loob ng intensive care unit (ICU) ng naturang pagamutan matapos ang tatlong linggo.
Sinabi pa ng inang si Vilma na naging pabaya si Javier nang hindi agad ipaalam sa kanila ang nangyari sa anak na dapat ay naisugod agad sa paÂgamutan. Isinama rin sa reklamo ang prinsipal ng naturang paaralan dahil sa kawalang-aksyon umano laban sa pambu-bully.
Una nang nanawagan ng katarungan si Bulgar reporter Maeng Santos, lolo ng biktima, para sa kanyang apo.