^

Metro

Kung ok na monetary compensation Erap, Isko magtutungo sa HK

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na personal silang magtutungo ni  Manila Vice Mayor isko Moreno sa Hong Kong sa sandaling  makumpleto ang monetary compensation para sa pamilya ng  mga biktima ng  2010 Manila hostage crisis.

Ayon kay Estrada, uma­apela pa siya sa kanyang  mga kaibigan na tulungan silang makalikom ng sapat na halaga upang maibigay sa mga  pamilya ng biktima ng hostage crisis ang  marapat na  compensation.

Sinabi ni Estrada na dapat  pa ring ibalik ang magandang relasyon ng Pilipinas at Hong Kong dahil marami pa ring mga  Overseas Filipino Workers ang  maapektuhan sakaling hindi mapagbigyan ang  mga kahilingan ng mga pamilya.

Sinabi ni Estrada na hindi umano siya mahihiyang humingi ng  tulong sa kanyang mga kaibigan at handa siyang ibigay ang kanyang  buhay  maging ito man ay turista.

Subalit ayon kay Manila 3rd district Councilor Bernie Ang,  ang kinatawan ng Manila­ government na tumungo­ sa Hong Kong noong Oktubre 23 nais pa rin ng  mga pamilya na mismong si Pangulong Benigno Aquino ang  dapat na humingi ng  paumanhin dahil pawang mga national officials ang  sangkot sa nabanggit na insidente.

Ito aniya ang  nakasaad sa  De Lima report kung saan may mga lapses ang ilang  government officials kung kaya’t nangyari ang  pagkamatay ng walong Chinese noong Agosto 2010 sa Luneta.

Iginiit din  ni Ang na nais  na ipaliwanag ng Chinese na nangyari ang insidente sa administrasyon ni PNoy.

Matatandaan na tinanggap na ng  chinese govern­ment ang ‘sorry’ ng city  go­vern­ment of Manila subalit  nais din nilang mag’sorry sa kanila si PNoy.

COUNCILOR BERNIE ANG

DE LIMA

HONG KONG

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA VICE MAYOR

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with