^

Metro

BJMP officer pinagbabaril, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology ang patay makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa Commonwealth Avenue lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Alvin Qui­sumbing, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kinilala ang biktima na si Jail Officer 2 Inocencio Velasquez, 44, nakatalaga sa Office of the General Ser­vices sa Min­danao at residente sa Brgy. Central sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa may harap ng Diliman Doctors Hospital sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara ganap na alas-12:30 ng hatinggabi.

Sabi ng guwardiyang si Alvin Gastardo, nagbabantay umano siya sa construction site ng ospital nang marinig niya ang mga putok ng baril mula sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad niyang tiningnan ang pinanggalingan ng putok kung saan nadatnan niya ang biktima na duguang makahandusay at wala nang buhay. Agad ding ipinabatid ng guwardiya ang insidente sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima ay nagtamo ng tatlong tama ng bala ng kalibre 9mm pistola, isa sa likod, isa sa dibdib at isa sa likurang bahagi ng kaliwang tenga.

Inaalam din ng awtoridad kung may dalang service fire­arm ang biktima nang paslangin ito. Narekober din ang motorsiklo ng biktima sa lugar na may plakang BJMP habang nakasabit pa ang pulang helmet sa kaliwang side mirror nito.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente at inaalam kung sino ang salarin.

vuukle comment

ALVIN GASTARDO

ALVIN QUI

BRGY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DILIMAN DOCTORS HOSPITAL

INOCENCIO VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with