^

Metro

Nagpapasaklolo kay Erap vendors sa sementeryo umalma sa patakaran

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan  kay Manila Mayor Joseph Estrada ang  mahigit 200 vendors na nakatakdang  magtinda sa loob ng  Manila North Cemetery na tulungan sila sa umano’y sistemang ipinatutupad  ng organizer nito.

Sa panayam sa mga vendors, inirereklamo  ng mga ito ang  bagong patakaran sa kanilang  pagpupuwesto sa sementeryo na umano’y  panggigipit sa kanila gayong maliit lamang ang kanilang  kikitain.

Ayon sa mga vendors, ngayon lamang nangyari na  may babayarang  P1,275 para sa permit at P50 para sa notary para sa lugar na kanilang pagtitindahan na may sukat na 1x1.

Nabatid na hindi  umano maaaring mamili ang  mga vendor ng kanilang pupuwestuhan bagama’t maaga silang nakipagtransaksiyon sa organizer.  Ilan sa mga vendors ay halos 10 at 15 taon nang nagtitinda sa nasabing sementeryo. Ang nasabing transaksiyon ay kinumpirma  naman ng isang  Oscar Escueta na umano’y tauhan ni Manila 1st District Dennis­ Alcoreza.

“Alam na po ni  Mayor Erap ’yan kasi kay DA (Dennis Alcoreza),  po iyan,” ani  Escueta.

Lumilitaw na bukod  sa mga nasabing bayarin, obligado rin ang mga vendors na  kunin umano sa organizer ang kanilang ibebenta sa  sementeryo.

Nagtataka rin ang mga vendors kung bakit sa Rehabilitation facility ng  MNC at hindi sa Manila City Hall isinasagawa ang bayaran at pinanghihimasukan umano ni Alcoreza ang  MNC gayong may administrator naman ito. Lumilitaw na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang administrator ng MNC na si Raffy Jimenez at si Alcoreza hinggil sa  pagpupuwesto ng mga vendors sa nasabing sementeryo.

Ayon sa mga vendors, nasasakupan pa rin ni Jimenez ang lugar kung kaya’t hindi  dapat na  panghimasukan ni  Alcoreza.

ALCOREZA

AYON

DENNIS ALCOREZA

DISTRICT DENNIS

LUMILITAW

MANILA CITY HALL

VENDORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with