^

Metro

2 karnaper bulagta sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang karnaper matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police ilang minuto matapos na agawan ng motorsiklo ang isang lalaki, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ni  Supt. Eleazar Matta, hepe ng Quezon City Police Station 6,  inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga nasawi, habang isa pa nilang kasamahan ang iniulat na nakatakas.

Naganap ang shootout ma­karaang puwersahang agawan ng mga suspect ng motorsiklo  ang biktimang si Robert Codilla 24, ng Steve St. Brgy. Commonwealth.  

Nangyari ang insidente sa may panulukan ng Peria Road, at Talisay St.,  Brgy. Old Balara, ganap na alas-12 ng madaling-araw.

Ayon sa biktima, sakay siya ng isang motorsiklo at tinuturuang magmaneho ang kanyang kaibigang babae nang dikitan sila ng isang motor­siklo kung saan sakay ang tatlong lalaki na may takip sa mga mukha. Ginitgit umano siya ng mga ito hanggang sa matumba.

Sa pagtayo ni Codilla, napuna niya ang mga suspect na tila may dinudukot na baril sa katawan dahilan upang agad siyang nagtatakbo palayo at iniwan ang kanyang motorsiklo patungo sa  himpilan ng ba­rangay upang humingi ng ayuda.

Tiyempo namang napa­daan sa lugar ang isang mobile patrol ng Station 6 ay inireport ng barangay ang pangyayari saka nagsagawa ng operasyon kung saan na­ispatan ang mga suspect.

Nang sitahin ng mga ope­ratiba ang mga suspect, bigla na lamang silang pinaputukan   ng mga ito  dahilan para gumanti ang mga pulis.

Ilang minutong tumagal ang palitan ng putok at nang mapawi ang putukan ay nakita na lamang sa magkahiwalay na lugar ang dalawa sa mga suspect na duguan wala ng buhay. Habang ang isa sa kasamahan naman nila ang nakatakas.

AYON

ELEAZAR MATTA

OLD BALARA

PERIA ROAD

QUEZON CITY POLICE

QUEZON CITY POLICE STATION

ROBERT CODILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with