MANILA, Philippines - Nagdulot ng kaguluhan at trapiko ang pag-akyat ng isang babae sa tuktok ng isang billboard sa North Avenue EDSA sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ang babae na tinawag lamang sa pangalang Marilou ay nakita na lamang ng ilang tindero na nasa tuktok ng isang ginagawang billboard na may 80 talampakang taas ganap na alas-9 ng umaga.
Dito ay nakaupong parang wala sa sarili ang babae. Dahil sa pangamÂbang mahulog ito ay agad na itinawag ng mga tindera ng tulong ang Bureau of Fire Protection (BFP) para sa rescue operation.
Agad na naglatag ng mga protection equipment ang mga bumbero sa ibaba, maging harness para naman maayos na maibaba ang babae.
Tumagal ng halos apat na oras bago tuluyang nakumbinsing bumaba ang babae, dahilan naman para magdulot ng labis na abala bunga ng mga nag-uosyoÂsong mga commuters at motorista.
Nang makuha ng mga bumbero ay agad itong ibinaba sa pamamagitan ng harness saka itinakbo sa malapit na ospital
Inaalam pa ng awtoridad ang ugat ng pagpanhik ng babae sa naturang lugar.