^

Metro

Pagsasara sa PSBA-QC, hinadlangan ng korte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ng 20 day temporary restraining order (TRO)  ang Quezon City court na nag-uutos sa management ng Philippine School of Business Administration sa lungsod na huwag munang ipatupad ang pagsasara sa naturang paaralan na epek­tibo sana ngayon. 

Kaugnay nito, iniutos din ng korte sa mga petitioners na pinangu­ ngu­nahan nina Mary Plet Paguiop at Patrick Lloret na maglagak ng bail band 200,000 sa korte kaugnay ng kaso.

Sa apat na pahinang kautusan ni QC-RTC branch 194 Judge Ca­therine P. Manodon, ang mga peti­tioners  ay maaaring magdusa kung maipasasara ang PSBA-QC bago maisagawa ang writ of preliminary injunction tungkol sa kasong ito.

Ang pagdinig sa writ of preli­minary injunction ay isasagawa sa  October­ 24.

Ang mga mag-aaral ng PSBA-QC na pinangungunahan nina Lloret na kinabibilangan ng may 4,000 mag-aaral ay nagsampa ng petition for injunction sa korte upang pigilan ang pagsasara sa naturang pa­aralan dahil ang naturang hakbang ay pag­labag umano sa karapatan ng mga estud­ yante na makatapos ng pag-aaral.

Kasama sa mga respondents sa kaso ay ang registered stock­holders Juan Lim at Ramon Peralta, listed stockholder Antonio Magtalas, Commission on Higher Education (CHED) chairperson Patricia Li­cua­nan, at CHED National Capital Region Director Catherine Castañeda.

ANTONIO MAGTALAS

HIGHER EDUCATION

JUAN LIM

JUDGE CA

MARY PLET PAGUIOP

NATIONAL CAPITAL REGION DIRECTOR CATHERINE CASTA

PATRICIA LI

PATRICK LLORET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with