Perjury na isinampa ni Napoles vs whistleblowers, ibinasura
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Manila City Prosecutor’s Office ang reklamong perjury na isinampa ng itinuturong pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles laban kay Benhur Luy at iba pang whistleblower.
Batay ito sa 11-pahinang consolidated reÂsolution na inirekomenda ng handling proÂsecutor na si Philger Noel Inovejas na inaprubahan ni Senior Deputy City Prosecutor Eufrosino Sulla.
Bukod kay Luy, ka bilang sa mga ipinagÂharap ng reklamo ang mga magulang nito na sina Arturo at Gertrudes at kapatid na si Arthur, gayundin ang isa pang whistleblower na si Merlina Sunas, dating empleyado ng JLN Corporation.
Ginawang batayan ni Napoles sa paghahain ng reklamo ang kaÂnilang sinumpaang salaysay na isinumite sa Department of Justice (DOJ) na nagsasabing si Benhur ay nananatili sa kanyang kustodiya nang taliwas sa kanyang kagustuhan.
Sa resolusyon ng Manila Prosecutor’s Office, ang reklamo ay ibinasura dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Dahil dito, wala umaÂnong probable cause para maisulong ang kaso sa korte.
Tinukoy pa sa resoÂlusyon na nabigo si Napoles na patunayan na mali ang alegasyon ng mga respondent hinggil sa iligal na pagkakadetine ni Benhur Luy.
Hindi rin umano naÂpasinungalingan ni Napoles ang aleÂgasyon ng mga responÂdent hinggil sa kanya umanong pagkakasangkot sa maÂanomalyang mga transaksyon gamit ang pondo ng gobyerno.
- Latest