Ginang nabagsak ang kargang sanggol, posibleng kasuhan

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng Na­votas Police ang pag­ha­harap ng kasong parricide laban sa isang 32-anyos na ina ma­tapos nitong aksidenteng maibagsak ang kanyang sanggol na anak na na­ging dahilan ng kama­tayan nito, kahapon.

Ang 4-month old baby ni Khrisma Salamat, ng Celestino St., Brgy. San Jose ay idi­neklarang dead-on-arrival sa lying-in clinic ng Navotas dahil sa mga pasa at pag­durugo ng ilong.

Sa pahayag ni Sa­lamat sa mga doktor, sinabi nito na kama­kalawa pa lamang ng gabi ay may sakit na ang kanyang anak kaya niya ito dinala na sa naturang clinic.

Gayunman, mismong ang sister-in-law ni Salamat na umano’y nakakaalam sa pang­yayari ang naglakas-loob na sabihin sa doktor ang tunay na pangyayari.

Sinabi nito na aksi­denteng naibagsak ni Khrisma ang anak habang karga ito.

Show comments