^

Metro

Tsinoy tiklo sa 1 kilo ng shabu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang Chinese national matapos mahulihan ng may isang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspect na si Shaofen Cai, alyas Shofeng ng Rosario Cavite.

Ayon kay Atty. Jacquelin de Guzman, director ng PDEA-NCR, nakuha sa suspect ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Ang suspect ay isa sa mga naging target ng tanggapan dahil sa impormasyon na isa ito sa mga hayagang nagbebenta ng shabu sa lugar sa malakihang halaga.

Marami umanong sinusuplayan ng shabu ang suspect, dahil kilo-kilo ang naging transaksyon nito sa kanyang mga buyer.

Nadakma ang suspect matapos na makipag­transaksyon ito sa isang poseur buyer ng PDEA para sa pagbili ng shabu, ganap na alas-9 ng gabi.

Pero katwiran ng dayuhan, napag-utusan lamang umano siyang ideliber ang plastic bag at hindi niya alam ang laman nito.

Nakapiit ngayon ang suspect sa PDEA head­ quarters sa lungsod Quezon sa kasong paglabag sa Republic act 9165 o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BINONDO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

GUZMAN

JACQUELIN

ROSARIO CAVITE

SHAOFEN CAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with