MANILA, Philippines - Patay ang isang negosÂyante makaraang pagbaÂbarilin ng riding in tandem habang ang una ay nakatayo at ini-entertain angkanyang kostomer sa shop sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ang nasawi na si Reynaldo de Guzman, 50, may-asawa ng no. 29 Magnolia St., Dominga SubdiÂvision, Brgy. Talipapa.
Ayon kay SPO1 Eric Lazo, dalawang sakay ng motorsiklo ang sangkot sa pamamaril sa biktima na mabilis ring tumakas makaraang isagawa ang krimen.
Nangyari ang insidente sa may harap ng Rey Bet Auto shop na matatagpuan sa no. 40 Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa, ganap na alas-3:45 ng hapon.
Bago ang insidente, nakikipag-usap umano ang biktima sa kanyang kostomer sa shop nang biglang sumulpot ang isa sa mga suspect sa likuran ng una at pagbabarilin ito.
Agad na nasawi ang bikÂtima, habang ang salarin ay dumiretso naman sa naghihintay na kasamahang may dalang motorsiklo at sumaÂkay saka sumibat palayo, paÂÂtungong direksyon ng SaÂngandaan Avenue.
Sa pagsisiyasat ng awtoridad, narekober sa crime scene ang dalawang piraso ng basyo ng kalibre .45 at dalawang tingga nito. PaÂtuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.