MANILA, Philippines - Muling binaha ang maraÂming mga kalsada sa Metro Manila dulot ng tuluy-tuloy na ulan dahil sa “Habagat†na hinahatak ng lumabas sa bansa na bagyong Odette.
Sa post sa social netÂworking site na Twitter ng MMDA, nasa “half tire deep†ang tubig-baha sa may QuiÂrino at Leveriza sa Maynila dakong alas-11:26 ng umaga, gutter deep sa malaking bahagi ng Taft Avenue, Pedro Gil sa Maynila at sa Osmena-Buendia southbound sa Makati.
Umabot rin sa “gutter deep†ang baha sa Pasay Road at Pasong Tamo, MIA Road at Macapagal Avenue, Roxas Boulevard at Tomas Claudio.
Dakong alas-12:11, umaÂbot rin ng “gutter deep†ang baha sa Andrews Avenue, Tramo sa Pasay. “Half-tire deep†rin ang baha sa C5 patungo sa SLEX at sa Magallanes.
Binaha rin ang ilang istasyon ng Light Rail Transit Authority-Line 1.
Nasa “ankle deep†umano ang baha sa halos lahat ng kanilang istasyon habang “above knee deep†naman ang baha sa may R. Papa Station.