^

Metro

Transport group lalahok sa 1 pang ‘pork’ protest

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lalahok ang transport group sa isasagawang panibagong kilos protesta ngayon sa Luneta laban sa pork barrel.

Ayon kay  PISTON National President George San Mateo na napapanahon na muling isagawa ang malaking Anti-Pork Barrel Protest kasabay ng  ika-41 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon kay San Mateo, ang pork barrel system ay isa sa haligi na sumusuhay sa malalang sistema ng korapsyon sa Pilipinas na kung tawagin ay ‘Burukrata-Kapitalismo’.

Anya  ang ‘Burukrata-Kapitalismo’ ay ang sistema ng pagpapatakbo sa gobyerno bilang negosyo para sa pansarili at pribadong interes na dapat nang mawakasan. 

Binigyang diin ni San Mateo na patuloy na mananawagan ang kanilang hanay kasama ng mamamayang Pilipino upang labanan at buwagin ang pork barrel system at sistema ng korapsyon sa Pilipinas.

ANTI-PORK BARREL PROTEST

ANYA

AYON

BINIGYANG

BURUKRATA-KAPITALISMO

LALAHOK

MARTIAL LAW

NATIONAL PRESIDENT GEORGE SAN MATEO

PILIPINAS

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with