Tsinoy binoga, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang Tsinoy nang barilin ito sa kanang mata ng hindi pa kilalang suspek, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si  Ariel So, 35,  ng Ma. Clara St., Brgy. 120 ng nasabing lungsod.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya laban sa hindi pa nakikilalang suspek.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling araw  sa BMBA Compound, 2nd Avenue ng nasabing lungsod habang ang biktima ay naglalakad nang biglang sumulpot sa harapan nito ang suspek na armado ng baril.

Walang sabi-sabing binaril nito ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kama­tayan.

Blangko pa ang pu­lisya sa motibo at kung sino ang gumawa sa naturang krimen. Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso.

 

Show comments