^

Metro

‘Iskorer’ ng shabu, inestafa na, itinumba pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang  miyembro ng ‘Sputnik gang’ nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect  makaraang balikan nito ang hindi pa nakukuhang shabu na kanyang nabayaran  sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center  ang biktimang si Benjamin delos Santos, ng Lacson St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Narekober din ang isang kitchen knife sa katawan ng biktima, na ginamit sa pagpaslang sa kanya.

Sa inisyal, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may Osmeña St., Tondo, Maynila.

Sa naging salaysay ng pedicab driver na si Joseph Ching, 20, sakay niya ang biktima at isang alyas Always nang makarinig siya ng putok at nakita ang duguang pasahero.

Sa impormasyon, ang biktima ay na-estafa dahil matapos magbayad ng halagang P50 ay hindi naman nakuha ang binibiling tingi ng shabu.

Binalikan umano ng biktima ang nagtakbo ng kanyang bayad, kasama si Always subalit pagsapit sa lugar ay may bumaril dito.

Pinaghahanap naman si alyas Always upang magbigay-linaw sa insidente at matukoy ang suspect sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

BINALIKAN

JOSEPH CHING

LACSON ST.

MAYNILA

NAREKOBER

OSME

PATAY

PINAGHAHANAP

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with