^

Metro

Youth summit, matagumpay na pinangasiwaan ni VM Joy B

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang ginanap na Youth Summit sa Quezon City na pinangasiwaan ng tanggapan ni Vice Mayor Joy Belmonte nitong  nakaraang weekend.

Layunin ng hakbang na makabuo ng mga paraan ang mga kabataan kung paano magiging isang productive na mamamayan, paano makatu­tulong sa pagpapaunlad ng komunidad, makatulong sa mga kabataan at out-of-school youth na mabaling ang atensiyon sa ibang aktibidad at tuloy mapaunlad ang kanilang ka­alaman.

May 600 kabataang opisyal at miyembro ng SK Federation at KK officers at member at iba pang kabataan mula sa anim na distrito sa lungsod ang naki­isa sa naturang summit na isinagawa sa Don Alejandro Sr. High School.

Dito, pinalaganap ang kahalagahan ng mga kabataan sa pagpapaunlad ng bansa at kung paano mamuno sa isang pamayanan at paghubog sa bawat mamamayang Pilipino para sa hinaharap.

Ipinanukala rin ng mga kabataan nakiisa sa summit­  na gawing 18 hanggang 21-anyos ang edad ng mga kabataang nais maging SK Chairman at mula edad 15 hanggang 21-anyos ang SK Kagawad at Katipunan ng  Barangay member.

 

DITO

DON ALEJANDRO SR. HIGH SCHOOL

IPINANUKALA

KAGAWAD

KATIPUNAN

LAYUNIN

QUEZON CITY

VICE MAYOR JOY BELMONTE

YOUTH SUMMIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with