^

Metro

Gwaping na estudyante binurdahan sa mukha

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binurdahan ng saksak ang mukha ng isang 16-anyos na First Year Education student ng National Teacher’s College ng tatlong ‘di pa kilalang salarin sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si John Phillip Malla,ng #48-B Roxas St. Tondo, Maynila na idineklarang dead-on-arrival­ sa Ospital ng Sampaloc.

Sa ulat ni PO3 Cris­pin Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, alas-8:47 ng gabi ng makitang nakahandusay at duguan ang biktima sa tabi ng A. Mabini Elementary School sa Ma. Carpena St., Quiapo.

Sa kuha ng CCTV ay may kasamang dalawa ang biktima, ang isa ay tulad niyang nakasuot ng unipormeng pu­ting polo at itim na pantalon, isang nakasibilyan habang naglalakad sa Bilibid Viejo at nakita rin na may bumubuntot na tatlo pang lalaki na naka-sibilyan.

Gayunman, hindi na na­hagip pa ng CCTV ang aktuwal na pangyayari ng pananaksak at pagpatay na nakitang lumiko ang mga biktima kasunod ang mga suspect.

Nagkanya-kaniyang takbo na ang mga suspect at ka­sama ng biktima matapos ang pana­naksak dahil may pumaradang kotse na naka­kita sa kanila na nagreport ng insidente.

Nabatid sa kaanak ng biktima na si Rodolfo Aboy, (tiyu­hin) na nasa Romblon ang ina nito na isang titser, habang ang biktima ay nag-aaral sa Maynila.

Lungkot at hinanakit ang namutawi sa tiyuhin ng biktima na nagsabing halos hindi nila padapuan ng lamok ang pamangkin na pinatay lamang ng brutal.

Hindi tinangay ng mga suspect ang cellphone at maging ang bagong relos na kabibili lamang ni Aboy para sa pamangkin, na nagpapatibay na hindi holdap ang motibo kundi selos dahil sinira ang mukha ng biktima.

Naniniwala ang tiyuhin ng biktima na maaring may ka­ribal sa pag-ibig ang pamangkin dahil may nobya na ito.

B ROXAS ST. TONDO

BIKTIMA

BILIBID VIEJO

CARPENA ST.

FIRST YEAR EDUCATION

JOHN PHILLIP MALLA

MABINI ELEMENTARY SCHOOL

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with