MANILA, Philippines - Sinalubong ng kamalasan ang 30-anyos na maÂnager ng kilalang fastfood chain matapos itong holdaÂpin ng apat na kalalakihanÂg lulan ng dalawang motorsiklo sa panulukan ng U.N. Avenue at M.H. Del Pilar Street, Ermita, Manila kahapon ng umaga. Nalululuhang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Lovely Balieta upang magÂreklamo matapos holdapin dakong alas-7 ng umaga sa nabanggit na lugar. Base sa ulat ng pulisya, papasok sa trabaho ang bikÂtima nang harangin at holdaÂpin ng apat na lalaking magkakaang kas sa dalawang motorsiklo. Hindi nakapalag ang bikÂtima matapos itong tutukan ng baril saka tangayin ang kanyang bag na naglalaman ng P5,000 cash na pambayad sana sa electril bill, IPad at cellphone.