Kagawad inireklamo ng panununtok ng tanod

MANILA, Philippines - Naghain ng reklamo sa Manila Police District-General Assign­ment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang 36-anyos na barangay tanod laban sa kagawad sa kanilang lugar matapos umano siyang suntukin sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Sa salaysay ng complainant na si Noel de Guzman,  tanod ng Brgy. 138 Zone 12 District 1 residente ng  Ampocio St., Balut, Tondo, Maynila na isinumite kay PO3 Adonis Aguila, nakasagutan niya ang barangay kagawad  na si Jildo Jazareno, dakong alas -9:30 ng gabi habang naka-duty.

Ayon kay De Guzman, sinabihan siya ni Kagawad Jazareno na mayabang siyang magsasagot na naging dahilan upang siya ay pagsusuntukin sa mukha. Nang  maawat umano ang galit na kagawad ng mga iba pang tanod ay umuwi na ang biktima subalit nagtungo pa umano doon ang kagawad at inaalok siya na magpa-medical, na kaniyang tinanggihan.

Sa halip, siya at kasamang tanod ang nagtungo sa Jose Reyes Memorial Medical Center para magpa-medical at dumiretso na sa MPD headquarters para sa isasampang reklamo. Desidido ang tanod na isulong sa piskalya ang kasong phy­sical injury. (Ludy Bermudo with trainee Pinky de Leon)

 

Show comments