‘Tamang duda’ dapat pairalin ng district directors – NCRPO
MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ni NCRPO director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr. ang kanyang mga district directors na pairalin ang ugaÂling ‘tamang duda’ sa kanilang mga tauhan upang palagiang matiyak na sumusunod ang mga ito sa alituntunin ng batas at hindi namemeke ng kanilang mga ulat. Ito ang ipinaalala ni Garbo kahapon kasabay ng pagpapalabas ng panibagong 500 tauhan para sa mga district offices upang makatulong sa pagpapalakas ng puwersa sa mga lansangan.
Nagbuhat sa NCRPO-Regional Public Safety Battalion ang 500 pulis. Nasa 150 ang itatalaga sa Quezon City Police District; 150 sa Southern Police District, 75 sa Northern Police District, 75 sa Eastern Police District at 50 sa Manila Police District. Nabatid na katatapos lamang ng naturang mga pulis ng kursong Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) and Field Training Program (FTP).
Sa pagpapairal ng ‘tamang duda’, sinabi ni Garbo na matitiyak na maayos na nagtatrabaho ang mga pulis at hindi umaasa na lamang o umaayon sa mga ipinapasang accomplishment report ng kanilang mga station at unit commanders. Upang maging ehemplo, sinabi nito na personal niyang iinsÂpeksyunin ang mga istasyon ng pulisya at police outposts upang maberepika ang mga isinusumite sa kanyang ulat.
- Latest