^

Metro

‘Oplan Goliath’ umarangkada: 30 kolorum na bus, winalis sa EDSA

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 30 kolorum bus ang hinuli sa unang araw ng “Oplan Goliath” ng Metropolitan Manila Deve­lopment  Authority (MMDA) at ng Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) sa kahabaan ng EDSA kahapon.

Bukod pa rito ang apat na taxi at isang namama­sadang pribadong sa­sakyan ang hinuli rin ng mga traffic enforcer ng MMDA katuwang ang mga opisyal ng LTFRB.  Dinala ang mga sasakyan sa impounding area ng MMDA sa Pasig City.

Nabatid na unang isinagawa ang panghuhuli sa may Balintawak area kung saan 10 kolorum na mga bus ang kaagad na nahuli.  Isa sa bus na nahuli ay may biyahe hanggang Moncada, Tarlac lamang ngunit uma­bot ng Quezon City.

Matapos ang pagkakabulaga, tumumal ang panghu­huli ng MMDA at LTFRB­ makaraang ialerto­ na ng mga kapwa bus drivers­ ang mga kasamahan na kolorum sa pama­magitan ng text messages kaya hindi na bumiyahe ang mga ito sa EDSA.

Sa kabila nito, magpa­patuloy pa rin ang kanilang isasagawang ope­rasyon na gagawing biglaan upang mahuli sa akto ang mga ko­lo­rum­­ bus na pa­tuloy na nagiging­ pasaway sa EDSA.

 

BALINTAWAK

BUKOD

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGU

METROPOLITAN MANILA DEVE

OPLAN GOLIATH

PASIG CITY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with