Taxi driver dedo sa boga

MANILA, Philippines - Isang taxi driver ang nasawi matapos na pasukin sa loob ng kanyang bahay ng hindi nakikilalang suspect at pagba­barilin sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Delfin Barduque Jr.,residente sa no. 34 San Pedro St., Brgy. Commonwealth. Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, nahihirapan silang tukuyin ang nasabing salarin dahil maging ang kaanak nito ay hindi nakita ang pamamaril sa biktima.

Nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima ganap na alas-9:40 ng gabi. Bago ang insidente, nag-uusap umano sa unang palapag ng kanilang bahay ang biktima at kanyang nanay na si Aurora Oracion-Barduque nang ma­ka­rinig sila ng mga putok ng baril sa labas.

Dahil dito, nagpasya si Aling Aurora na tignan ang ibaba ng kanilang bahay, pero nagulat na lang siya nang biglang bumuwal ang anak at duguan. Agad na isinugod ni Aling Aurora­ ang anak sa Fairview General­ Hospital pero idineklara din itong dead on arrival.

Base sa cursory examination na ginawa sa bangkay, lumabas na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima at dalawang tama ng bala sa kanyang likuran.

Show comments