^

Metro

2 parak sugatan sa demolisyon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pulis ang nasugatan makaraang ta­maan ng malalaking tipak ng bato na pinaulan ng mga lumabang residente ng Carmina Compound sa Muntinlupa City sa pagpapatuloy ng isinasagawang demolisyon kahapon ng umaga.

Inisyal na nakilala ang mga pulis na nagtamo ng sugat sa braso at kamay na sina PO2 Garcia at PO2 Aquino. Wala namang naiulat na nasaktan sa panig ng mga residente.

Nabatid na nagbigay ng seguridad ang mga pulis sa isasagawang demolisyon ngunit nag-um­pisang lumaban ang mga residente nang kumilos ang demolition team.

Matatandaang 200 pamilya sa compound ang pinaaalis na ng may-ari sa 1.1 ektaryang lupa kung saan nagkasundo na babayaran na lamang ang mga ito. Sinabi naman ng mga residente na hindi tumupad sa kasunduan na bayaran sila ng halagang P36,000 bawat pamilya ng may-ari ng lupa na si Sonia Lim kaya muli silang lalaban kontra demolisyon.

Nabatid na 2006 pa nang unang pakiusapan na umalis na sa pribadong compound ang mga pa­ milyang iskuwater at 2007 nang magpalabas ang korte para sa demolisyon sa mga istruktura. Hindi naman ito naisakatuparan sa panahon ng da­ting alkalde hanggang sa lumobo na ang bilang ng pamilyang nakatira dito.

AQUINO

CARMINA COMPOUND

DALAWANG

GARCIA

INISYAL

MUNTINLUPA CITY

NABATID

SONIA LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with