Bus salpok sa poste: 14 pasahero sugatan
MANILA, Philippines - Sugatan ang 14 na pasahero makaraang bumangga ang sinasakyan nilang bus sa isang poste sa South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Muntinlupa City, kahapon ng umaga.
Kaagad na isinugod ng Muntinlupa Rescue Team sa Parañaque Medical Center ang mga sugatang pasahero na karamihan ay pawang nagtamo ng minor injuries sa katawan. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng Cher Transport Bus (TYK-944) na si Rimson Baarte.
Sa inisyal na imbestigasÂyon ng Highway Patrol Group, naganap ang aksidente dakong alas-6:53 ng umaga sa SLEX sa may Alabang viaduct. Nabatid na galing sa Pacita Complex sa San Pedro, Laguna ang bus at patungong Malabon.
Depensa ni Baarte, nawalan umano siya sa kontrol sa manibela kaya diretsong sumalpok sa konkretong poste. Sinabi nito na ipinaayos naman niya ang manibela sa kanilang mekaniko nang una nang maramdaman na nagla-lock ito.
Posible umanong hindi maÂayos ang pagkakakumpuni sa manibela dahilan para muli itong mag-lock at hindi na niya makontrol ang manibela.
Sinampahan ng pulisya si Baarte ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries at damage to property.
- Latest