MANILA, Philippines - Ikinasa ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang isang malawakang protestang bayan upang kondenahin ang patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo.
Ayon kay Piston President George San Mateo, tutunguhin nila ang gusali ng mga kompanya ng langis sa bansa upang iparinig nila dito ang pagbatikos sa serye ng oil price hike at ang magaÂganap na isa na namang pagtaas sa presyo ng gasolina ngayong linggo na aabot anya sa P2 sa gasolina at P1 sa Diesel.
Bago ito, magsasagawa muna ng proÂtesta ang transport group sa unahan ng gusali ng LTO at LTFRB sa East Avenue sa Quezon City upang kondenahin ang Year-Model-Phase-Out sa UV Express at mga pampasaherong jeep gayundin ang mataas na halaga ng singil ng LTO sa mga huli nito.
Ayon kay San Mateo, hindi lamang sa Metro Manila ang pagkilos ng kanilang grupo kundi sa iba’t ibang lugar sa bansa para iparating sa pamahalaan ang hinaing nila na maaksiyunan ang patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina.