Transport group pumalag din sa expanded number coding scheme
MANILA, Philippines - Mariin ding tinutulan ng grupong Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang panukalang expanded number coding scheme ng MMDA dahil ang makikinabang lamang daw nito ay yaong mga mayayaman at mga makapangyarihan sa bansa na may maraming sasakyan.
Ayon kay Piston President Goerge San Mateo, kapag naÂipatupad ang naturang hakbang, ang mga karaniwang middle class na indibiduÂwal na may isa lamang na pag-aaring sasakyan at ang ordinaryong commuters ang tatamaan ng nasabing panukala.
Sa ilalim ng panukalang expanded color coding, apat na numero ng last digit ng car plates ang sasailalim sa color coding kada araw upang mabawasan daw ang matinÂding traffic sa Metro Manila sa halip dalawang ending car plates lamang ng sasakyan na kasalukuyang naipatutupad.
Mangangahulugan ito na magiging dalawang araw na ang magiging coding sa mga sasakyan sa loob ng isang linggo.
Binigyang diin din ni San Mateo na sa panig ng transport sector, malaki din ang epekto nito sa mga pampasaherong sasakyan na mababawasan ang arawang kita ng mga driver at mga conductor gayunÂdin ang iba pang mga manggagawa sa pampublikong transportasyon.
Anya, lalo lamang maluÂlugmok sa hirap ng buhay ang maraming mamamayan kapag naipatupad ito dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo sa langis, bilihin, tubig, kuryente, matrikula, pasahe sa MRT at LRT at iba pang bayarin kung mababawasan pa ng dalawang araw ang kanilang biyahe at kita.
- Latest