Kilabot na ‘tulak’, 6 pa arestado
MANILA, Philippines - Timbog ang isang kilabot na ‘tulak’ ng droga at anim pang hinihinalang sangkot sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (QCPD-AIDSOTG) sa isang drug den sa lungsod, iniulat kahapon.
Sa ulat na nakarating kay QCPD director Police Senior Supt. Richard Albano, nakilala ang mga suspect na sina Esperidion Adriano, 52; Octavio Adriano, 47; Bonifacio Adriano, 38; Jerome Velasquez, 26; Alfie Manalang, 18; Jake Manalansang, 30; at Esperanza Cruz, 30; pawang mga residente sa lungsod.
Ayon kay Albano, ang mga suspect ay nadakip ng mga operatiba ng QCPD-AIDSOTG matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa malawakang pagbebenta ng iligal na droga ni Esperidion o kilala sa alyas na Ahas sa nasabing lugar. Dahil dito, agad na pinlano ang isang buy-bust operation kung saan nagkasundo ang suspect at ang isang poseur buyer na magpalitan ng item sa kanyang lugar.
Nang kunin ni Ahas ang halagang P1,000 marked money sa poseur buyer ay agad na dinamba ito ng mga awtoridad kung saan nabatid na ginagamit ding drug den ang bahay nito at doon naaktuhan ang iba na tumitira ng shabu. May kabuuang 10 gramo ng shabu bukod pa sa ilang piraso ng drug paraÂpherÂnalia ang nasamsam kay Ahas.
- Latest