1 dedo, 1 grabe sa pamamaril

MANILA, Philippines - Napatay ang 32-anyos na mister habang malubha naman ang kasama nito makaraang ratratin ng dalawang kalalakihan sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni SPO1 Pascual Fabreag ang nasawi na si Rodel Cerdenia ng Brgy. Sitio Regalado Avenue, Fairview habang kritikal naman si Raymond Barrion, 21, ng Brgy. Fairview. Base sa police report, naglalakad ang dalawa nang harangin at komprontahin ng dalawang di-kilalang lalaki. Sinasabing nagkapikunan ito kaya nauwi sa pamamaril. Naisugod naman sa FEU Hospital subalit idineklarang patay si Cerdania habang ginagamot naman si Barrion sa East Avenue Medical Center.

 

Show comments