^

Metro

Driver dedo sa kinupkop na kelot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang natanggap na gantimpala sa pagmamagandang-loob ng isang 40-anyos na pedicab driver, na binaril ng kanyang bagong kaibigan na pinatuloy at pinakain sa sarili niyang tahanan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Federico Malonzo, ng Mabuhay St., Tondo, bunga ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspect na kinilala lamang sa alyas na Butchoy ma­tapos ang pamamaril.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng MPD-Homicide Section, dakong  alas-5:30 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng St. James at Mabuhay Sts., Tondo. Nabatid na nagkakape ang biktima sa nasabing lugar nang binulaga siya ng suspect at agad na pinaputukan sa  ulo.   Isinugod  naman ng kanyang live-in partner na si Rosalyn Rodriguez sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Sa naging salaysay ng kapatid ng biktima sa pulisya, nagkainitan ang suspect at si Rosalyn Rodriguez dahil sa pagbubunganga umano ng huli hinggil sa dagdag gastos nila sa pagpapakain sa suspect. Humingi pa umano ng pasensiya ang biktima sa suspect na huwag nang pa­tulan ang kanyang kinakasama subalit naging dahilan pa ito ng pagtatalo ng suspect  at ng biktima na nauwi sa suntukan hanggang sa lumayas na ang suspect. Hindi inakala ng biktima na reresbakan pa ito ng suspect sa kabila ng ginawang pagkupkop dito.

FEDERICO MALONZO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

HOMICIDE SECTION

JONATHAN BAUTISTA

MABUHAY ST.

MABUHAY STS

ROSALYN RODRIGUEZ

ST. JAMES

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with