Dalagang ina tumalon mula 3rd floor ng ospital, patay
MANILA, Philippines - Posibleng dahil sa hindi nakayanang problema bunsod ng panganganak ng walang asawa, walang pera at hindi normal ang kondisyon ng sanggol ang nagtulak sa isang 26-anyos na dalagang ina para magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ika-3 palapag ng ospital sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.
Ilang oras pang nilapatan ng lunas subalit idineklarang patay habang nasa emergency room ng Dr. Jose Fabella Memorial Maternity Hospital ang biktimang si Jenexy Allosa, ng Road 12, NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila, dakong alas -10:19 ng umaga kahapon.
Sa ulat ni PO1 Anthony Boncan, ng Manila Police District-Homicide Section naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng umaga.
“Wala raw itong asawa, parang nabuntis lang ng boyfriend, kaga-graduate lang ng Management sa Jose Rizal University at wala pang traÂbaho at yung baby niya ay nasa incubator pa. Masyadong na low-morale,†ayon kay Boncan na ang mga dahilang ito ang posibleng naging sanhi para maisipan nito ang pagtalon sa gusali ng ospital.
Huling nakitang buhay ang biktima, na kumakain, dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Mahigit 10 araw nang nasa paanakan ang biktima at hindi pa pwedeng ilabas ang baby boy na nakasalang sa incuÂbator mula noong Mayo 31.
Nabatid na walang pambayad sa ospital ang biktima at wala ring trabaho kaya namomroblema kung paano bubuhayin ang anak.
- Latest