LPG distribution system sa Serendra, isinara na
MANILA, Philippines - Boluntaryo nang isinara ng Serendra Condominium Corporation na pag-aari ng Ayala Land Incorporation ang buong centralized Liquified Petroleum Gas (LPG) distribution system nito sa Fort Bonifacio Global sa Taguig City.
Ito ang inihayag kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II matapos naman itong iparating sa kaniya ni Ayala Land Inc. Chief Executive Officer(CEO) at President Antonino Aquino.
Ang hakbang ay isinagawa makaraang mauna nang matukoy na walang bomba kundi sanhi ng pagÂsingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang maÂÂlagim na pagsabog sa condominium unit 501-B ng Two Serendra noong Mayo 31 na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat pa ng apat.
Nabatid na ang buong Serendra condominium ay gumagamit ng LPG piping system sa mga unit nito.
Ayon kay Roxas, bagaman natukoy na gas leak o mula sa tagas ng LPG ang ugat ng pagsabog sa Two Serendra condominium ay kinakailangan pa ring suÂriin ang buong construction plan ng gusali.
Iginiit nito na kailangan pa ring makita kung sinunod ba ang plano, tama ba ang mga inilapat na safety devices, sino ang supplier ng LPG at kung sinunod ang requirements para rito.
Samantala, hindi pa masabi ni Roxas kung panaÂnaÂgutin ng pamahalaan ang Ayala Land Inc. sa naganap na insidente.
- Latest