June 10-16 idineklarang Disaster Preparedness Week
MANILA, Philippines - Idineklara ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang June 10-16 na Disaster Preparedness Week bilang paghahanda sa pagsisimula ng tag-ulan.
Ayon kay DILG Undersecretary Francisco Fernandez, responsable sa pamamalakad sa mga urban poor, ang deklarasyon ay upang makapag-pokus ang pamahalaan sa paghahanda sa kaligtasan at permanenteng lokasyon ng mga pamilya lalo na ang mga tinatawag na informal settler na naninirahan sa mga mapanganib na lugar at estero sa Metro Manila.
Sa pakikipagtulungan ng Pasig River Rehabilitation Commission at ng ABS-CBN Foundation’s “Kapit Bisig Para sa Ilog Pasigâ€, pinasinayaan ni DILG Secretary Mar Roxas kamakailan ang unang phase ng rehabilitation program sa may 2.9-kilometer Estero de Paco na magsisilbing model ng may 47 na iba pang tributaries sa Pasig River.
Ang Metro Manila ay tahanan ng may mahigit sa milyong pamilya na naninirahan sa iskwater, mahigit sa 104,000 nito ay nanunuluyan sa mga esteros, kanal, habang ang nalalabi ay matatagpuan sa iba’t ibang lugar tulad ng gilid ng riles ng tren, tambakan ng basura, tabi ng ilog, at pampublikong lugar tulad ng bangketa, kalye, parke at palaruan.
Umaabot sa 60,000 sa mga pamilya sa iskuwater ay nakatakdang ilipat sa ilang on-site, near-site at in-city relocation communities sa loob ng susunod na taon, o may average na 20,000 ISF kada taon bago matapos ang termino ng Pangulong Aquino sa June 2016. Binigyang diin ni Fernandez na walang puwersahang paglilikas o relocation na magaganap sa mga ito kahit saan panig ng bansa.
- Latest