^

Metro

‘No mixed’ policy sa mga dormitory sa Maynila ipinatutupad – Lim

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na  mahigpit ang pagpapatupad ng ‘no mixed’ policy sa mga dor­mitory matapos na isagawa ang inspeksiyon at monitoring kung sumusunod sa patakaran ang mga may-ari nito.

Ayon kay Lim, batay sa report na isinumite ni city administrator Jay Marzan, ang mga may-ari at  namamahala sa mga dormitories, boarding houses  at iba pang  establisimyento tulad nito ay inabi­suhan na hinggil sa pagbabawal ng pagsasama ng mga male at female  boarders.

Sinabi ni  Marzan, ma­tagal nang polisiya ang ‘mixing’ sa mga dormitory dahil iniwasan ang anumang insidente na magkaroon  ng  relasyon ang  male at female boarder.

“May mga magulang na ipinangungutang pa ang perang pampaaral sa kanilang mga anak, nagbebenta ng kalabaw, ng lupa para lang maipasok sa Maynila ang kanilang mga anak.  Eh kung ilalagay mo sa isang dormitory na halo ang babae sa lalaki, nandiyan nga naman ang posibilidad na makipagligawan ’yan at baka di makatapos ng pag-aaral,” ani Marzan.

Giit ni Marzan, maaaring ireport ng mga estudyante sa City Hall ang mga establisimento o dormitory na lumalabag sa polisiya.

Samantala,  sinabi naman ni Lim na may sapat nang koordinasyon sa Manila Police District hinggil sa paglalaan ng pulis sa palibot ng mga paaralan upang matiyak ang peace and order.

Tiniyak din ng al­kalde  na may sapat na traffic enforcers­ mula sa the traffic bureau ni Supt. Reynaldo Nava at Manila Traffic and Parking Bureau chief  Nancy Villanueva upang maiwasan ang pagsisikip ng daan.

Kaugnay nito, sinabi rin  ni Dr. Ponciano Menguito­, division of city schools supe­rintendent na walang kakulangan sa classroom sa panunungkulan ni Lim ma­tapos nitong dagdagan ang pagpapatayo ng iba pang mga classroom.

Tinatayang aabot sa 300,000 estudyante ang ina­­asahang dadagsa sa 71 public elementary at 32 high schools ngayon.

Mayroon ding 485 day-care centers  para sa mga pre-schoolers  habang lib­reng kolehiyo sa Pamantasan ng Lungsod Maynila, na pinamumunuan ni  Atty. Rafaelito Garayblas at Universidad de Manila (City College of Manila) sa pamumuno ni Atty. Solfia Arboladura.

 

CITY COLLEGE OF MANILA

CITY HALL

DR. PONCIANO MENGUITO

JAY MARZAN

LUNGSOD MAYNILA

MARZAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with