Taong grasa natulog sa tren ng MRT, todas
MANILA, Philippines - Patay ang hindi pa nakikilalang taong grasa makaraang makapasok sa loob ng nababakurang riles ng Metro Rail Transit (MRT) at mabangga ng unang pumasadang tren, kahapon ng madaling-araw paglagpas sa Magallanes Station.
Ayon kay MRT General Manager Atty. Al Vitangcol III, naganap ang insiÂdente dakong alas-5 ng maÂdaling-araw sa southbound lane paglagpas ng MaÂgallanes Station sa Makati City.
Unang biyahe umano ang naturang tren buhat sa kanilang depot sa North Avenue Station at patungo na ng EDSA-Taft Avenue Station nang biglang tumayo ang biktima nang palapit na ang tren.
Tinangkang umiwas umano nito ngunit huli na at nahagip na ng tren sanhi ng kanyang kamatayan.
Dahil sa taong grasa, walang pagkakakilanlan na natagpuan sa bangkay ng biktima. Nagtataka naman ang mga otoridad kung paano nakapasok ng riles ang biktima gayung may bakod ito at naka-angat pa sa kalsada.
Hinala ng pulisya, maÂaaring umakyat sa riles ang biktima matapos ang operasyon ng MRT kamakalawa ng gabi at saka dito natulog.
Aminado ang pamunuan ng MRT na walang “closed circuit television camera (CCTV)†na nakaÂkabit sa lugar ng insidente.
Dahil sa insidente, naapektuhan ang operasÂyon ng MRT dahil sa bangkay ng biktima.
Pinutol ang biyahe ng MRT mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard station lamang bago idiniretso hanggang Taft Avenue makaraang matanggal ang katawan ng biktima dakong alas-9:30 ng umaga.
- Latest