Tubig sa MPD, naibalik na

MANILA, Philippines - Tapos na rin ang paghihirap ng mga pulis at emple­yado ng Manila Police District (MPD) matapos na  maibalik  ang serbisyo ng  tubig dito kahapon na tumagal din ng dalawang  linggo.

Nabatid  ito matapos kumpirmahin ni Cherubim Ocampo,­ head ng Corporate Communications ng Maynilad, na natanggap nila kahapon ng alas-10:00 ng umaga ang tseke na nagkakahalaga ng P2-milyon mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Bahagi lamang umano ang nasabing halaga ng mga pagkakautang ng MPD sa Maynilad at may balanse pa ring P3.79-M, na ipina­ngakong babayaran sa mga susunod na 19 na buwan.

Apat umano ang account ng MPD na may kabuuang P8-M.

 

Show comments