^

Metro

Habang nanonood ng ‘search for feeling pogi’: 13-anyos utas sa kuryente, 1 pa nadamay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang pagda­raos ng “Search for Feeling Pogi 2013”, nang makuryente ang dalawang binatilyo kung saan nasawi ang isa, nang mahawakan ang bakal na nasa ibaba ng stage  sa  Parola Compound, Port Area,  Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Hindi na naisalba  sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si John Quel, 13-anyos,   ng Parola Compound, Tondo, Maynila, habang inoobserbahan pa sa nasabing pagamutan ang isa pang biktima na si JL Mark Zabala, 11.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:25 ng gabi  nang maganap ang insidente habang ruma­rampa na umano ang mga contestants sa stage nang biglang tumumba si Quel sa sementadong kal­sada  kaya sa pagkabigla ni Zabala na katabi niya,  ay tinulungan niya ito subalit siya man ay nakuryente.

Mabilis namang isinugod sa nabanggit na os­pital ang dalawang biktima pero nasawi  rin si Quel,  habang si Zabala ay patuloy pa ring inoobserbahan.

Ang patimpalak ay inorganisa umano ng  Rivas Gay Club na nakipag-ugnayan na sa mga pamilya ng mga biktima para sa gastusin. Posibleng hindi na umano ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa nasabing grupo.

 

vuukle comment

FEELING POGI

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JOHN QUEL

MARK ZABALA

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

PORT AREA

QUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with