^

Metro

2 religious group sumuporta kay del Rosario sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagsuporta ang dalawang kinikilalang religious group na Jesus is Lord Movement (JIL) at El Shaddai sa kandidatura ni Pasay City Mayoralty Candidate Jorge del Rosario dahil sa nakikita nilang intensyon sa makataong paglilingkod nito sa mamamayan ng lungsod ng Pasay.

Ayon kay Bro. Eddie Villanueva ng JIL at Bro. Mike Velarde ng El Shaddai napili ng kanilang grupo si Del Rosario  dahil sa track record nito na mayroon ng napatunayan sa mga residente ng Pasay City lalo na sa panahon ng kagipitan bilang pilantropo at negosyante. Nabatid na  lubos na naniniwala ang bawat isang miyembro ng kanilang grupo na sakaling maupo bilang alkalde ng lungsod si del Rosario ay maibabangon nito sa pagkakalugmok ang lungsod ng Pasay at mapapataas ang antas ng pamu¬muhay ng mamamayan dahilan sa kahusayan na rin nito sa pamamahala at hinog na karanasan sa pagnenegosyo.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng  pasa¬salamat ang buong pamilya del Rosario sa ibinigay sa kanyang endorsement.
Bukod dito, sumuporta na rin kay Del Rosario ang iba’t ibang samahan na kinabibilangan ng mga tricycle at jeepney drivers association, ACTO, Muslim vendors association, women’s group at maging ang mga retired police officers na sumisigaw ng pagbabago sa Pasay City.
 

vuukle comment

AYON

DEL ROSARIO

EDDIE VILLANUEVA

EL SHADDAI

LORD MOVEMENT

MIKE VELARDE

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY MAYORALTY CANDIDATE JORGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with