Kahon-kahong marijuana bricks nakumpiska sa bus terminal

Sinisiyasat ni Police Insp. Manuel Laderas ang mga marijuana bricks na nakumpiska sa isang bus terminal sa Quezon City. (Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines - Kung hindi pa nangamoy ay hindi pa matutuklasan ang kahon-kahong marijuana habang ito ay nasa compartment ng isang pam­pasaherong bus sa terminal ng Victory sa Cubao, lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Insp. Manuel Laderas, hepe ng traffic sector 4, nadiskubre ang nasabing iligal na kontrabando matapos na ma­ amoy ng isang disp­atcher ng bus ang halimuyak ng amoy nito habang nagtatawag ng pasahero sa may Victory ter­minal na matatagpuan sa kahabaan ng Edsa, malapit sa Mapagmahal St., Brgy. Pinyahan.

Ang mga naturang kahon ay may mga pangalang Ma. Dolores Pacay at Renato Peralta, na pinaniniwalaang pagdadalhan.

Dagdag ni Laderas, ga­ling umano ang kahon sa Tabuk City, Kalinga Apayao, at nakatakdang kunin sana ng dalawa nang ma­bisto ng dispatcher na si Herny Marpa, ganap na alas-9 ng umaga.

Sinasabing pagsapit sa terminal at ibaba sana mula sa compartment ang kahon nang mapansing ang mga nakalabas na tu­yong dahon sa isa sa kahong napunit kung saan na­langhap ni Marpa ang kakaibang amoy nito.

Nang busisiin ni Marpa ay nabatid na ang laman nito ang iligal na droga na may kabuuang 142 bricks, kung saan ang isang brick ay tinatayang nagkakaha­laga ng P2,000.

Bukod dito, napag-ala­­­man sa awtoridad na matapos na makuha ng mga ope­­ratiba ang iligal na droga, apat na lalaki na nag­pakilalang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagtungo sa na­sabing terminal para ku­nin ito, pero nang malamang nasa TS4 na ay agad din ang mga itong sumibat.

Show comments