Kelot na dumukot sa paslit, nadakip
MANILA, Philippines - Nasakote ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaking dumukot umano sa isang batang lalaki at ibinenta sa isang mag-asawa, subalit naibalik agad sa kanyang mga magulang sa lungsod, ayon sa pulisya kahapon.
Si Anthony Dimalanta, alyas Dennis A. Nabua, ay naaresto, hindi dahil sa pagdukot sa bata, kung hindi sa pagdadala ng patalim habang nakaistambay sa panulukan ng Del Monte at Araneta Avenues sa Brgy. Masambong, alas-6 ng umaga.
Si Nabua ay itinuring na wanted ng QCPD makaraang maÂkita sa CCTV footage ang ginawa niyang pagtangay sa batang si Lovelio Mendoza Jr., isang kalahating taong gulang, sa may San Antonio St., Brgy. San Antonio, San Francisco Del Monte, noong Abril 2, 2013.
Halos limang araw na nawalay sa kanyang mga magulang si Buboy hanggang sa marekober ito ng kanyang mga magulang sa Baclaran, kung saan dinala sa isang pamilya na pinag-iwanan ni Nabua sa Parañaque kapalit ang halagang P1,200.
Ang nakuhang pera ni Nabua ay gagamitin umano nito sa pag-uwi sa Pangasinan. Nag-iwan din ito ng litrato sa pamilya sa pangakong babalikan niya ang bata.
Dahil umano sa litratong iniwan ni Nabua, nagkaroon ng maraming kopya ang bawat istasyon ng pulisya at ipinaskil ito sa mga mobile car na naging ugat para mapadali ang pagkaÂkilanlan sa kanya at maaresto.
Sinasabing naaresto si Nabua makaraang ipagbigay alam ng isang residente sa hotline 117 ang paglalaro nito ng “balisong†habang nakaistambay sa nasabing lugar.
Nang aarestuhin ng tropa ng Police Station 2 ang suspect ay tinangka pa nitong manlaban subalit, agad din namang naÂdisarmahan ng mga una.
Nang tanungin anya niya si Nabua kung bakit nito ginawa ang pagdukot, sinabi nitong lulon lamang daw siya sa iligal na droga at hindi umano niya alam ang kanyang ginagawa. Nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso si Nabua.
- Latest