^

Metro

Award sa parak na inatake sa puso sa paghabol sa snatcher

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginawaran kahapon  ng posthumous award ni  NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina ng ‘posthumous award’ ang   pulis na namatay sa atake sa puso sanhi ng sobrang pagod sa paghabol sa naarestong snatcher sa lungsod ng Maynila.

Ang parangal ay per­sonal na iginawad ni Espina sa pamilya ng na­sawing  si PO1 Edgar Valdez Jr. sa burol nito sa kanyang tahanan sa  Sitio Uno St. Sangandan, Caloocan City.

“Buong pusong ipinagmamalaki at pinara­rangalan ng NCRPO ang kadakilaang ipinamalas ni PO1 Edgar Valdez Jr. hanggang sa hu­ling sandali ng kanyang buhay, ipinagmalasakit ang kapakanan ng ating mamamayan,” pahayag ni Espina.

Si Valdez, kasama si PO2 Ulysses San Diego­ na kasalukuyang nagpapatrulya ay nagresponde sa paghingi ng tulong ng biktimang si Roselle Villamar noong Abril 8 matapos ma-snatch ang cellphone nito.

Dahil sa paghabol ni Valdez ay nasakote ang suspek na si Aries Ovilla­, 20, at narekober ang tina­ngay nitong cellphone sa biktima. Gayunman, pagda­ting sa kanilang himpilan ay dumaing ng paninikip ng dibdib si PO1 Valdez matapos itong mapagod sa paghabol sa suspect na bagaman nagawa pang maisugod sa UERM Hospital ay  idineklara ng dead-on-arrival.

ARIES OVILLA

CALOOCAN CITY

CHIEF P

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

EDGAR VALDEZ JR.

ESPINA

ROSELLE VILLAMAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with