^

Metro

Refund para sa GSIS memorial planholders hanggang Agosto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari na ngayong mai-convert ng “cash” ng mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang “memorial plan” hanggang katapusan ng Agosto.

Ito’y makaraang ilun­sad ang programang GSIS Enhanced Optional Exit Mechanism (EOEM), kung saan mare-refund ng mga planholders ang kanilang ibinayad depende sa uri ng kanilang plan.

Ayon sa GSIS, nilikha ang programa upang protektahan ang mga planholders sa mga posibleng problema sa “memorial servicing” habang magagamit pa nila ang makukuhang pera sa ibang gastusin.  

Ang mga may hawak ng Genesis Flexi Plan ay makaka-refund ng 150 porsyento sa orihinal na presyo ng kontrata, 125% sa Genesis Plus Plan, at 100% sa Genesis Plan at Genesis Special Plan.

Sa oras na makapag-refund ang isang planholder, otomatikong mate-terminate ang kanilang memorial plan.

Para sa iba pang klaripikasyon at pa­ngangailangan sa terminasyon ng kanilang plano, maaaring tumawag ang mga GSIS members sa Contact Center 847-4747 o mag-log-in sa www.gsis.gov.ph.

 

AGOSTO

CONTACT CENTER

ENHANCED OPTIONAL EXIT MECHANISM

GENESIS FLEXI PLAN

GENESIS PLAN

GENESIS PLUS PLAN

GENESIS SPECIAL PLAN

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

PLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with