^

Metro

Calixto angat sa Pasay – SWS

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umarangkada agad si incumbent Pasay City Mayor Antonino Ca­lixto sa Social Wea­ther Station (SWS) survey makaraan ang “land­slide” na resulta pabor sa kanya.

Lumitaw sa survey na 63 porsyento ng mga respondents mula sa dalawang distrito ng Pasay ang pabor kay Calixto para muling maging alkalde ng lungsod.

Sumunod sa kanya si dating Mayor Peewee Trinidad na may 13 percent at political neophyte Jorge del Rosario na nakakuha lamang ng 11 porsyento.

Walong porsyento naman ang undecided habang apat na porsyento ang may “invalid ballot markings”.

Kabilang sa tanong sa mga res­pondent ang, “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang pinaka­malamang ninyong iboboto bilang mayor ng Pasay City?”

Sa dalawang distrito, si Calixto ang top choice ng mga respondent mula sa lahat ng “socio-economic classes” at ka­sarian.  Kabilang sa mga dahilan ng pagpili kay Calixto ang pagkakar oon ng magandang plano para sa lungsod, 39 percent; pagtulong sa mahihirap, 36%; pagpapatupad ng mga proyekto sa kanilang lugar,  34%; madaling lapitan, 29%; at may karanasan sa pamamahala, 25%.

Naitala naman sa +71% ang trust rating ni Calixto laban sa  +27% ni Trinidad at +6% trust rating kay Del Rosario.

Pinapurihan din ng mga respon­dents ang magagandang katangian ng alkalde na kinabibilangan ng pagiging matulungin o pagtulong sa mahihirap, 39%; Mabait 22%; madaling lapitan 19% at masipag, 13%.

Isinagawa ang SWS survey noong  February 22-24, 2013 gamit ang official list of candidates at  ballot box technique sa  400 Pasay City registered voters.

 

vuukle comment

CALIXTO

DEL ROSARIO

KABILANG

MAYOR PEEWEE TRINIDAD

PASAY CITY

PASAY CITY MAYOR ANTONINO CA

SHY

SOCIAL WEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with