Tanggapan ni Vice Mayor Joy B, nabuslo ang ‘most gender-sensitive award’
MANILA, Philippines - Nabuslo ng tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang titulong ‘most gender-sensitive office’ bilang pagkilala sa mga programa at aktibong pagsuporta ng tanggapan nito para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan sa lungsod.
Ang parangal na ito ay bahagi pa rin sa pagdiriwang ng lungsod sa ‘Women’s Month’.
Ang QC government sa pamamagitan ng Gender and Development Resource and Coordinating Office ay nagkaloob ng parangal sa Office of the Vice Mayor dahil sa walang sawang pagtulong at gender sensitive programs na nagpo-promote ng gender equality sa mga taga-lungsod.
Ang QC din ang nanguÂnguna sa hanay ng mga local government units sa pagkakaroon ng gender mainstreaming activities at mga programa sa mga constituentsÂ.
Ang pagdiriwang sa Women‘s Month ay taunang ginagawa sa QC bilang pagsuporta at pagkilala sa mga kababaihan sa kanilang commitment at dedikasyon sa pagsisilbi sa komunidad para maiangat ang social, political at economic aspect of goÂvernance.
- Latest