Kelot tinodas habang natutulog

MANILA, Philippines - Isang furniture maker ang binawian ng buhay ma­tapos itong pasukin at pagbabarilin habang natutulog ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng umaga sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Potter Elpides, 34, ng Sitio 6, Brgy. Catmon ng naturang lungsod.

Ayon sa pagsisiyasat ng Malabon City Police, naganap ang insidente mismo sa loob ng bahay ng biktima ng nabanggit na lugar dakong alas-4:00 ng umaga.

Ayon sa  ilang saksi na tumangging magpabanggit ng pangalan, sinilip muna ng mga suspect ang biktima at nang makita nilang natutulog ito, pinasok nila ang bahay at saka pinagbabaril si Elpides na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay kaagad na tumakas ang mga suspect  at iniimbestigahan pa ng pulisya  ang nasabing insidente. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na pamamaslang.

Show comments