^

Metro

PWD pedestrian lane, inilunsad ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuksan kahapon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang ‘person with disability (PWD) pedestrian lane’ para sa may ka­­­­pansanang mga kababaihan sa Cubao­, Quezon City.

Ang pagbubukas nito sa kanto ng Aurora Blvd. at Imperial St. ay bilang pagkilala sa Women with Disabilities Day sa Marso 25.

Ang naturang pedestrian lane ay may naka­kabit na traffic signal system na may CCTV (closed circuit television) camera  na nakakonekta sa MMDA metrobase.

Isang staff ng Metrobase ang magmomonitor sa naturang pedestrian lane ng 24 oras at may kapabilidad na mag­bigay ng instruksyon sa pagpapalit ng ilaw ng traffic light na maririnig ng mga motorista lalo na ang may mga taglay na “color blindness”.

Bukod sa naturang kal­sada, magtatayo rin ng kahalintulad na pedestrian lanes sa kanto ng  Aurora Boulevard at J.P. Rizal Sts. sa Project 4, Quezon City  at Santolan Road corner Marcos Highway sa Pasig City.

Ang Quezon City at Pasig City ang may pi­nakamalaking bilang ng PWDs sa buong Metro Manila.

ANG QUEZON CITY

AURORA BLVD

AURORA BOULEVARD

DISABILITIES DAY

IMPERIAL ST.

MARCOS HIGHWAY

PASIG CITY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with